Untitled
January 1 & 2, 2011

January 1, 2011

-THANK YOU LORD FOR ANOTHER YEAR :) Garabe. Inenjoy ko ang pag-head bang kasama si ate iya. :) Inenjoy ko na rin ang bagong taon kahit na may lagnat si bane. :O ayun. Text, Kain, Tumblr, Facebook, then Skype with my mom. And then sleep. whooo.

-At around 1:00 pm, nagising ako XD. Edit ng music video, then, pahinga. Mga Maya-maya, nag-text si Kuya Pao… “an, pwede ba dumaan jan?” WHOOO. After 15 minutes, andito na sya sa bahay. :D Pagkaupo namin sa sofa, sabi nya, “Star City tayo…”. :O Syempre, nagulat ako. hahaha. E hindi pa ko naliligo nun e. XD Nakailang ulit ako ng tanong na “NGAYON!?” Kaya pinaalam nya ko kay ate. Bwahahaha. Naligo na ko’t nagpaalam sa mga tao sa bahay na sa Star City ang punta ko. Tapos go. hehe. Sinundo kami ni Kuya Carlo (Kuya ni Kuya Pao. Haha.) At sa kalagitnaan ng pagsusunduan ng mga pinsan ni Kuya Pao, may tumawag sakin… ang pinakamamahal kong ina na nasa London. Pinapauwi ako. WAAAAAHHHHH. Todo isip, dahil sayang ang effort ng mga kasama ko sa sasakyan. Hanggang sa maging ok lahat. WHOOO. :p THANK YOU LORD!!! :) At yes… nakarating din ng safe sa destination. Haha… :) 

-Ayun. Sa kalagitnaan ng pag-eenjoy, may pinauwi na naman. (aw.) :\ Yung dalawang magkapatid na pinsan nila Kuya Pao. Waaaahhh. Sayang at super saglit lang sila. Hays. Di bale. Next time ulit. Whooo. Tuloy lang kame sa paglilibot sa Star City ni Kuya Pao. mwahaha. Maya-maya, nagtext ang nanay ko… ang sabe, “Wag magpagabi, Happy New Year” (Haha… Past 11pm na yun ah… mama talaga. Ü ) Ayun. Tuloy ang pag-enjoy. :) Todohan pa rin ang tenenen sa Star City. :D

January 2, 2011

-Pumipila pa rin kami ni Kuya Pao, pati ng mga pinsan nya and kapatids… sinusulit ang huling sandali sa Star City dahil hanggang 2am lang yun. Waha. Bump car. Ako ang pinag-drive ni Kuya Pao kahit antok na ko. bwahahaha. :) Wild River was the last ride. Basa-basa kame. haha. Tas uwian na… awwww. :’) Nag-bbye na sa lahat… :) At habang papalapit ng papalapit ako sa bahay namin, nag-tu-tugs-tugs yung puso ko… sa sobrang kaba… dahil mag-tthree na ng umaga. :O Ilang minuto pa’t nakauwi rin ako… THANK YOU LORD!!! :) Nag-online ulit ako sa skype and then nag-apologize kay mama… apology accepted naman daw. wew. :)

Super happiness with Kuya Pao, The Siochi Brothers, and The Cousins. ;) I feel so blessed. :’)